Una kong nakita ang pangalan at letrato ni Maria Sharapova sa website ng ESPN nung 2002. Maliit na kahon lang, ang laman e yung mga bagong tennis player na tila daw sumusunod sa yapak ni Anna Kournikova, samakatuwid ay sa pagiging blonde, na naka-ponytail pa, aral sa Florida, at glamorosa.
Ngayon, alam ko na sa kwento ng mga fans, at maging kung tatanungin mo ang mga player na nakakita na sa kanya nang personal, si Anna Kournikova ang pinakamagandang tennis player, "more beautiful than anyone from Hollywood" ika nga ng isang kolumnista. Pero di ganoon ang dating niya sa letrato. Kaya nang makita ko ang letrato ng noo'y 15-anyos na si Sharapova, ang reaksyon ko ay "no she's no Anna K-clone. Anna never did this to me." Ano ba yung "this"? Tumigil sandali ang makinang pambomba ko ng dugo. Lilinawin ko uli, sa picture lang iyan. Si Sharapova kasi, photogenic at telegenic. Sa personal, iba na. Pero ano ba naman ang pakialam ko sa personal e wala naman akong balak pumunta pa ng ibang bansa para lang makita sila sa personal? Mahal kaya ng airfare, tapos wala naman akong visa.
Nagsimulang sumikat si Sharapova nung 2003 season, nung marating niya ang semis ng Birmingham at ilaglag si Elena Dementieva, kapwa niya Ruso at mas mataas ang ranking sa kanya nung panahon na iyon. Isang "upset" ika nga. Bagamat di naman siya ang nagkampeon doon ng taong iyon, ay iyon na ang umpisa ng kanyang love affair sa mga fans ng Britanya. Nang sumunod na taon, narating niya ang rurok ng kasikatan. Nanalo siya sa Birmingham, suot ang isang simpleng puting damit, habang nasa rurok din ng kanyang "kakyutan". Dalawang linggo pagkalipas, siya na ang pinagkakaguluhan sa Wimbledon. Ang isang pinakahighlight ng week 1 ng 2004 Wimbledon ay ang kanyang laro laban kay Daniela Hantuchova ng Slovakia. Tinext ko pa nga ang kaibigan ko "Sharapova vs Daniela on Star Sports" (first name ang tawag ko kay Hantuchova e). Sagot niya sa akin "already watching it." Sino ba naman ang di mapapapanood? Pareho halos sila ng porma, parehong galing Eastern Europe, parehong Slavic, parehong matangkad, blonde, ponytailed, identical ang Nike dress, Nike na sapatos. Sa nakasisilaw na liwanag ng araw sa English summer, halos magkamukha na sila, parehong maganda. Magkaiba lang sa dalawang bagay: mas maingay si Sharapova, at mas malakas ang pwersa. Straight sets.
(Sa puntong ito siguro e itatanong mo: puro lang ba ganda ang criteria ko sa pagsunod sa isang babaeng tennis player? Reality check: yes. Women's tennis depends some on sex appeal. Some would say a lot. Yes, most its appeal lies in the sex appeal of its players. Ibig bang sabihin noon e monster ako at ibang kagaya ko? Deal with it, it's reality. For the record, ang paborito kong style ng paglalaro ng tennis ay yung kay Martina Navratilova. Serve and volley. Walang naglalaro ng ganoong istilo ngayon, not even the great Steffi Graf. Na paborito ko rin, for her tennis, of course. E since wala naman akong mapapala sa style ng mga modernong player na pare-pareho na lang na power baseliner, dahil wala nang kagaya ni Navratilova, masisisi mo ba ako kung sa itsura tumingin?)
Naaalala ko yung week 2 ng Wimbledon, kasi madalas gabi na akong makarating ng bahay. Quarterfinals, dinatnan kong naghihingalo na si Maria laban kay Ai Sugiyama ng Japan. Pero bumawi at nakatabla, pagkatapos, e umalagwa sa 3rd set. In love na ang mga Briton sa kanya. Ang kanyang itsura, mukhang genuine na emosyon, mukhang genuine na pasasalamat sa Diyos sa bawat swerteng tira na pumasok pa ang bola, bawat retrieve, bawat winner, e talaga namang nakakalugod.
Semifinal, medyo maaga ang uwi ko, pero inabutan ko, tambak sa 1st set laban kay Davenport. Dehado pa sa 2nd set. Tinext ko yung kaibigan ko "we better enjoy this, maybe her last night." Ganoon ako kasigurado na laglag na siya.
Tapos, malakas yata sa panalangin, umulan ba naman. Rain break. Regroup si Sharapova, recharge. Nung ipagpatuloy ang laban, siya na ang lumalamang. Tambak sa 3rd set si Davenport. Nasa finals na si Sharapova! Wow!
Finals day, syempre, dehado. Ang kalaban lang naman, yung defending champion na si Serena Williams, na mula nung French Open 2002 hanggang Australian Open 2003 e siyang may hawak ng apat na "majors" ng tennis. All-time great. The most feared woman in tennis. Si Sharapova, 17, tatatlo pa lang ang titulo, wala ni isang "major" (madalas na tinatawag na Grand Slam, pero mali iyon). Patpatin. Sabi pa nga nila, braso pa lang ni Williams, hita na ni Sharapova. Sa career achievements, maging physical, mismatch talaga. Ang lamang lang ni Sharapova, mas matangkad siya ng 2 inches. At ng araw na iyon, nasa kanya ang puso ng British crowd.
Walang isyu ng oras nung araw na iyon. Sabado kasi, walang pasok, kaya umpisa pa lang, nakabantay na ako sa TV. Text ng kaibigan ko: "if she wins, I'll marry her." And of course, if you saw it, you know what happened. Biglang arangkada si Sharapova, si Williams naman parang nawawala sa sarili. 3-1, 4-1, kamukat-mukat mo, 6-1 1st set to Sharapova na. Lahat, na-shock. Nung maka-break si Serena ng 2nd set, akala ng lahat iyon na ang comeback. Hindi nangyari. Nakabreak din si Sharapova, so balik sa on serve. May tira siyang tumama at nagpadugo sa ilong ni Serena Williams (di naman sinasadya, na-deflect ng net, e, pero sa katawan sana ang patama :) ). Nadulas at natumba pa si Williams. Lob shots na mukhang tsamba na hindi, pati si Williams napapa-palakpak. Panalo. Nang manalo, habang trophy ceremony, inantala pa niya ang mga pangyayari dahil tinawagan sa cellphone ang nanay niya. Cute!
Siya na ang focal point ng tennis. Interview dito, interview doon. Leno, Conan, TRL, Letterman. Nasa Sports Illustrated. Nagbaga ang internet sa dami ng searches, basa ng news, basa ng biography niya, download ng picture. Alam ko na nga ang palayaw niya ("Masha").
Kung iisipin mong mabuti, dapat doon natapos ang istorya. Eternal honeymoon. At her cutest, prettiest, most photogenic best. With the most famous, most important trophy in tennis.
Kaya lang, hindi doon natapos. Lahat ng talo niya pagkatapos ng Wimbledon, nasa spotlight. Sa Beijing. Sa Pilot Pen (di na siya bumalik doon). Sa US Open kay Mary Pierce, after leading most of the first two sets. Nakabawi lang sa Korea at Japan. Pagkatapos, nanalo sa year end championships laban uli kay Serena Williams. Wow, sabi ko, may pattern na. Kaya na niya talaga si Serena. Ang laki ng pag-asa ko.
Semifinals ng Australian Open 2005. Nagharap si Sharapova at si Serena Williams. Ang head-to-head record nila, 2-1 in favor of Sharapova. Kung meron daw characteristic si Sharapova na malaking bentahe, iyon ay yung hindi siya natatakot sa magkapatid na Serena at Venus.
Laban na. Parang Wimbledon ulit. 6-2 sa 1st set, tapos lamang na siya 5-4 sa second. Serving for the match. Wow! And then it happened. Nabreak, nakahold si Williams for 5-6, then nakabreak uli for 5-7 second set to Williams.
In my opinion, that was the turning point of their rivalry, at ng kanya na ring career bilang player. Si Sharapova ang dapat sana'y papalit sa magkapatid na Williams bilang primerang player ng tennis pambabae. Yun ang huling sandali, sa aking palagay, na wala pa talagang takot si Sharapova kay Serena Williams. Pagdating ng 3rd set, nauuna nang mag-serve si Williams, so pressured si Sharapova na mag-hold ng serve. Naka-sabay naman, kahit paano, pero bandang huli talo siya, 8-6. Hindi na siya nanalo ulit kay Serena. Not anywhere. Who would have thought her victory at the 2004 YEC would be her last over Serena? Ang pinakamasakit siguro niyang talo ay nung finals naman ng Australian Open din, year 2007, kung saan pinaglaruan siya ni Serena, 6-1 6-2. Nun ngang manalo siya ng isang game sa 1st set, natuwa na ako. Kita mo kasi sa mukha niya, hindi na siya naniniwala sa sarili niya na kaya pa niyang talunin si Serena.
Of course she would disagree with me. Lahat naman ng top athletes, hindi umaamin ng kahinaan. Pero alam ko. I just know. Bagamat mananalo pa siya ng dalawang majors pa, US Open ng 2006 at Australian Open ng 2008 (finally), alam kong sumisingit lang siya sa magkapatid na Williams. Para ngang naging self-fulfilling prophecy yung sinabi niya kay Serena nung 2004 Wimbledon, sa trophy ceremony, nung pinasalamatan niya si Serena "for letting me borrow this trophy for a year". Nagkatotoo. Kung hindi Serena, Venus naman ang nanalo sa mga Grand Slam tournaments.
Ngayon, si Sharapova pa rin ang aking paboritong player. Hindi siya ang pinakamagaling. Ni hindi siya ang pinakatalented na Russian. (Kuznetsova holds that distinction, ang bentahe ni Sharapova, e yung kanyang mental toughness.) One dimensional siyang maglaro. Hataw lang nang hataw. Walang masyadong diskarte. Maingay pa. Kahit pinapanood mo lang sa TV, nabibingi ka na, imaginin mo na lang ang parusa dun sa mga nanonood ng live?
Hindi na rin siya ganoon ka-cute. Di na natin maibabalik ang kabataan, maging ng artista man o ng atleta. Hindi na siya magiging 17 ulit, payat, as in naaaninag mo ang tadyang sa sobrang payat, underdog, di pa gayon kayaman, di pa ganoon kasikat, di pa ganoon kataas ang ranking, 13th seed lang na nakikipaghamok sa isang top seed, multiple major winner. Hindi na muling babalik ang 2004. Ngayon si Sharapova ay 1 inch taller(6-2 na siya), millions of dollars richer, andaming sasakyan, may sariling model ng Nike at Prince racket, may sariling perfume, 5 years older at mas malaki nang di hamak ang katawan. Pag nakita mo ang balikat niya, well, hindi mo na siya iisiping underdog. Astig na e. Ngayon, siya ang inaasahang manalo, pag natalo, upset. Except pag ang kalaban ay may apelyidong Williams.
Hindi na rin ganoon ka-in love sa kanya ang mga British fans. Nabu-boo na rin siya. Marami nang napapansin na hindi maganda tungkol sa kanya, lalo na ang kanyang kawalan ng concern sa isang injured na kalaban, at ang kanyang pagiging "haughty" sa loob ng court. Ang kanyang mga giggles (hagikgik) na sinasabayan ng tawa ng mga nanonood nung siya'y 17, e nagmumukha ng trying hard at pilit ngayong siya'y 22 na. Marami na ang nagrereklamo sa kanyang pag-atungal sa loob ng court habang pumapalo. Ingay naman talaga kasi.
Nakikita kong lahat iyan (dinetalye ko na nga e.) Hindi ako bulag na tagasunod.
Pero siya pa rin ang paborito ko.
Basta lang. Basta lang.
"Anna never did this to me" sabi ko nung 2002. Even now, that's still true.
Thursday, August 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment