Tuesday, February 9, 2010

Mga Kapinoyan sa terminolohiyang pang-isports

Baseball:
Kapinoyan: 1-strike (2- strike, 3- strike)
For: Strike one (strike two, strike three)

Score in general:
Kapinoyan (pag tumabla ang iskor, lalo na sa playground game): All 10!
For: 10 all!

Volleyball and badminton:
Kapinoyan: Last
For: Match point
Iba pang kapinoyan sa mga larong ito ang "warning" at "semi-last" , minsan maririnig mo ang referee/umpire na isisigaw pa ang iskor na "warning-15" or kaya "last - semi-last". Try to figure that one out.

May mga kapinoyan din sa cycling na gawa naman ng matagal na panahong di tayo na-expose sa mga terminolohiyang ginagamit ng UCI, yung governing body ng pro cycling. Naaalala ko pa nung panahong ang Tour of Luzon e kino-cover ng mga beteranong broadcaster ng government network. Malaki ang pagkakaiba nang pumasok na sina Phil Liggett at i-introduce ang mga UCI terms.

Kapinoyan: lap
Int'l: stage

Kapinoyan: lead pack
Int'l: race lead

Kapinoyan: Individual standings (di naman masama)
Int'l: Individual classification

Kapinoyan: Main group (o ika nga ni Earl Sapelino, "ang malaking kulumpon ng mga siklista")
Int'l: Peloton

Sa totoo lang, sa cycling, mas gusto ko yung version natin, except siguro sa lap, kasi ang lap ibig sabihin isang ikot sa isang circuit o track. Kapag nasa velodrome noon ang tour, halimbawa sa Antipolo Circuit o sa Amoranto, nagkakalituhan dahil ang tawag nga natin sa karera ng araw na iyon ay lap, tapos bawat ikot sa circuit, lap din ang tawag. Otherwise, mas gusto ko ang pro cycling nung panahong "pre-UCI". Ang tour dati, may stage na pang-rough road (Patapat). May iron lung stage na pamatay talaga sa mga pretenders (Baguio-to-Baguio, sa Baguio ang umpisa at katapusan, bababa sa Marcos Hiway, aakyat ng Naguilian, dadaan ng Baguio, bababa uli ng Marcos, akyat sa Kennon Road, then finish line sa Baguio). Nang pumasok ang UCI, nabawasan na nga ang stages ng tour, nawala pa ang mga rough roads, at ang Baguio stage e iniksian. No wonder nawalan ng gana ang mga manonood. (Psst, saka ang duming isport pala ng cycling, ang daming gumagamit ng gamot.)

No comments:

Post a Comment