Friday, September 25, 2009

Itsura

Ayon sa kasabihan, "beauty is skin deep." Paborito iyan ng mga walang masyadong good looks, gaya ko. Hehehe.

Sabi naman ng mga scientist, pag binalatan mo daw ang leon at tigre, at pinagtabi mo ang kanilang carcass, tanging ang mga especialista lang sa pag-aaral ng mga pusa ang makapagsasabi kung alin ang leon at alin ang tigre. Ganoon sila kalapit sa pagiging magkamukha pag inalis mo na ang balat at balahibong pagkakakilanlan.

(Siyempre, dahil ako ang nagsusulat, may palihis na trivia pa: ang mga leon at tigre, bagama't magkaiba ng species, e pwedeng pag-asawahin at magkaanak. Kapag ang ama ay leon, ang tawag sa anak nila ay liger, kapag ang tigre ang ama, tigon naman. Isang resulta ng pag-aasawahan ng leon at ng babaeng tigre (tigresa o tigress) ay ang pagkawala ng growth inhibitor sa anak na liger. Ito ay patuloy na lumalaki habang nabubuhay. Kaya liger ang may hawak ng rekord na pinakamalaking pusa, bagama't hindi ito natural-bred na hayop.)

OK, balik na tayo. Hehehe.

"Beauty is skin-deep."

Actually, it's probably even less. Mayroon akong kakilala na masasabi mong maganda dati. Dati, ibig sabihin, past tense na. Anong nangyari?

Hindi naman siya nagkaroon ng aksidente na nagbunga ng malubha at kalat na mga sugat sa mukha o katawan na sisira sa itsura ng kanyang "balat". Hindi siya nagkaroon ng "disfiguring" na sakit sa balat, gaya ng bulutong, eczema, psoriasis o ketong. Hindi siya naging biktima ng pagkasunog o pagkalapnos. Sa katunayan, wala pa rin siyang malaki at kapansin-pansing pilat o peklat sa mukha o katawan man. Nagkaroon lang siya ng thyroidism, na naging dahilan ng pagluwa at paglaki ng kanyang mata. Yun lang ang nabago. Mula noon, nag-iba na ang kanyang itsura.

Maybe beauty isn't even skin deep.
Maybe beauty is not in the eyes of the beholder.

Maybe beauty is in the eyes. 'Labo ba?

Think about it. May kakilala ka bang tao na nabulag, tapos, due to the injury suffered by the eye, e nag-shrink din ang mata? Tapos, nag-drop ang eyelid? O kahit simpleng nabulag lang, pareho pa rin ang profile ng mata, pareho pa rin ang eyelid, pero dahil hindi na makakita, e wala nang buhay ang mata? Naging gray ang kulay, di nagpapalit ng laki ng pupil, di nagniningning. Iba na ang itsura niya di ba? Simpleng mata lang ang nagbago.

Love your eyes. They not only determine what you see, they also determine what you look like.

Tuesday, September 22, 2009

Tambol Na Lata

(Nag-aalangan akong isulat ito dahil baka hindi ko mabigyan ng hustisya ang paksang ito. Kulang ang talas ng aking kaisipan, kulang ang aking kakayahang maglarawan, at kulang ang lalim ng aking pagsusuri, upang maipaabot nang husto ang aking nais sabihin. Ang layunin ko lang ngayon ay iulat siya, para ang makakabasa ay magkaroon ng interest at curiosity. Mas mainam na ito’y maranasan nang personal.)

Makikita mo sila sa gilid ng kalsada sa Buendia, kung dudungaw ka sa bus habang nakatirik ito sa trapik, habang bagot ka na bagot sa paghihintay na umabante ang mga sasakyan dahil late na late ka na. Ang pagkatengga ay bahagi na ng bawat umaga mo bilang nag-oopisina sa Makati business district. Makikita mo sila, mga batang may dala-dalang mga lata na iba’t ibang laki, na pinagtali ng isang gomang itim na marahil ay hango sa ginupit na goma ng ‘interior’ o inner tube ng gulong. Kinakalikot nila ang mga lata, pinipitik, tinitingnan ang ‘pitch’ o taas ng tono ng bawat isa. Pagkakaiba ng pitch ang dahilan kung bakit iba-iba ang laki ng mga lata, dahil sila’y nagsisilbing tambol. Pinapalo, tinatapik, kinakaskas para malaman ang tunog. Paminsan-minsa’y inaalisan din ng kalawang o anumang duming nakakapit ang mga lata. Syempre, kailangan presentable.
Dati-rati, sa awitin lang ng APO Hiking Society na “Doo Bi Doo Bi Doo” ko naririnig ang tambol na lata, at bilang isang salita lang na kumakatawan sa isang bagay. Kaya ko siyang imaginin, pero hindi pa talagang nakikita o naririnig. Pero ngayon sa Buendia, at marahil sa iba’t ibang kalsada na rin ng Kamaynilaan, makikita at maririnig mo na siya.

Parisan sila kung magtrabaho, mga batang napakamura pa ng gulang para magtrabaho sa kalye. Nag-aabang ng mga sasakyan. Yung isa, madalas yung mas maliit, ang papasok sa jeep, lulusot sa mga nag-uumpugang tuhod ng mga pasahero para makarating hanggang kaloob-looban. Ang reaksyon ng mga bagong ligo at bagong bihis na mga nag-oopisina ay mabilis, iiiwas nila ang kanilang mga pantalon, stockings at sapatos, yung iba ay magtatakip ng ilong o ipapaling ang mukha, dahil madalas kaysa hindi ay amoy pawis o anghit ang bata dala ng hindi madalas na paliligo. Yung kanyang kasama naman, uupo sa may pintuan ng jeep, patalikod sa mga pasahero, at paharap sa driver ng kung ano mang nakasunod na kotse, bus o iba pang sasakyan. Magtatambol siya sa tambol na lata, sa pamamagitan lang ng kanyang mga daliri, at kakanta ng kahit anong kanta, madalas ay medley ng kung ano mang kanta na alam niya. Palipat lipat ang kanyang mga kamay dun sa mga latang iba-iba ang laki, hinahanap ang tono na babagay sa kanyang kinakanta. Hindi pa rin siya gaanong tumatama, kung papakinggan mo, dalawang tracks ng musika (o ingay, depende sa panlasa mo) ang iyong naririnig; yung kanta, at yung tambol. Magkaiba ng tono, magkaiba ng tiyempo. Kung magkatugma ay OK, kung hindi naman, di bale na lang. Habang ang musikero ay nagpipilit (o ‘going through the motions’ depende sa pananaw mo) na magbigay ng aliw, yung kasama niyang pumasok sa loob ay magsisimulang manghingi ng limos. Mabilisan ito, mabilis na kantahan, at mabilis din na panghihingi. Di na masyadong pinagtatagal ang nakalahad na palad sa pasaherong dedma at ayaw magbigay. Marami namang sasakyan, at marami pang pasaherong mahihingan ng barya. Mas mainam sana kung sa bus sila makakatugtog at makakapanghingi ng limos.

Siksikan ang mga bus na patungong Ayala tuwing umaga. Pinagpipilitan ng mga barker, driver at kundoktok na pasakayin ang lahat ng kakasya, hindi lang sa mga upuan na kadalasa’y alanganin ang laki (ang mga pandalawahan ay maluwag lang sa isang tao, ang mga tatluhan ay maluwag lang sa dalawang tao), kundi maging sa center aisle. Bawat pasaherong sumakay na tatayo na lamang ay pinauusog sa likuran, para maisiksik pa yung mga sasakay pa. Pero dahil kulang na kulang ang transportasyon papuntang Ayala, walang choice ang mga pasahero kundi magtiyagang tumayo at makipagsiksikan. Ang mga nagbabago ng isip at bumababa habang nasa may estribo pa lang ay hinahabol pa ng insulto at mura ng mga kundoktor, driver at barker. Maaarte daw, nang-aabala at humaharang pa sa ibang gustong sumakay. Para namang di pa sapat na siksikan kayo, pag naningil pa ng pamasahe ang kundoktor ay sisingit pa siya sa inyo, pauusugin kayo para siya makaraan. Nagkakaapakan ng di dapat maapakan, nagkakaamuyan ng di dapat maamoy. Pero ito’y kwento sa ibang pagkakataon. Ang ibig lamang sabihin ay hirap makasingit sa bus ang mga batang magtatambol dahil siksikan na nga, at madalas ay hindi naman talaga sila pagbubuksan o paaakyatin ng driver. Pag hindi na rush hour, pwede, kung papayagan.

Sa unang pagkarinig ko sa awit ng boses-bata na sinasaliwan ng walang kawawaang tunog-lata, ang una kong naramdaman ay hiya. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing nakakakita ako ng mga taong dukhang-dukha sa mga publikong lugar, ako’y nahihiya. (Ganito rin ang pakiramdam ko sa ibang mga eksena ng karukhaan sa Buendia: ang ina na sumasalok ng malinaw na tubig sa hukay sa kalsada, tubig na nagmumula sa tumatagas na tubo ng MWSS, o kaya nama’y tubig-ulan na nalipasan na ng ilang oras at luminaw na dahil nag-settle na ang putik sa ilalim, upang ipampaligo sa anak na nanlilimahid ang damit dahil yun at yun lang ang isinusuot, o kaya nama’y ilalagay sa pitsel para kanilang inumin o ipanluto. O kaya pag gabi na, yung mga iskwater at homeless sa may estero na naghihiwalay sa Makati at Pasay, malapit dun sa dating Houseware Square, na nagsisitulog na sa sidewalk habang isang metro lang sa tabi nila ay bumper-to-bumper ang trapik ng mga kotse, SUV, AUV, at mga pampasaherong bus at jeep, maingay ang mga makina at busina dahil maiinit na rin ang mga ulo ng mga driver dahil sila’y gagabihin na naman at hindi makakapanood ng showbiz news at telenovela.)

Bakit nga ba ako nahihiya? Iniisip ko ba na baka may turistang foreigner na makakakita na may street musicians sa loob ng mga sasakyan sa Piipinas?
O nahihiya ako dahil nakapag-almusal na ako, may cellphone, may cable TV at DVD, may pera naman kahit paano sa bulsa, pero may mga batang paslit na sa halip na nasa eskwela ay nasa lansangan, at kailangan pang gumawa at tumugtog ng tambol na lata para lang makahingi ng konting barya?
O nahihiya ako dahil bagama’t titig na titig na parang nang-uusig ang mga mata ng batang nagtatambol sa driver ng nakabuntot na mamahaling SUVing gawa sa Amerika o modelong kotse na gawa sa Japan e hindi pa rin naaantig ang damdamin ng nasabing driver, o ng alin man niyang pasahero, dahil siguro may iba silang iniisip, lalo pa’t late na sila sa opisina?

Umuunlad na daw ang ating bansa, pero bakit ganito?

Dati-rati, sa kanta lang ng APO Hiking Society ko naririnig ang salitang tambol na lata. Akala ko laruan lang siya, isang first step ng batang musikero patungo sa pagiging seryosong drummer. Tambol na lata muna habang wala ka pang pambili ng drum kit. Pero hindi pala, ang tambol na lata pala ay seryosong instrumento. Seryoso dahil panghanapbuhay ng batang namamalimos.

Friday, September 18, 2009

Forms of precipitation

As a daily passenger of the overhead trains (the LRT and MRT, that is), I know the usual hazards: cramped conditions, overworked aircon, pickpockets, people stepping on your toes, you stepping on other people's toes, crushed luggage, crumpled clothes, soiled shoes, the occasional staredowns, jawing matches, angry talk that almost always lead to nothing but ruin your day anyway.

And then there's rain. In the old days, when there was only one LRT, the train cars were not airconditioned, the windows were open, which let in fresh air. Unfortunately, this also let in rain during the wet season.

Then somebody thought about airconditioning the rail network, so aircon systems were retrofitted to the old Belgian made trains, while the 2nd generation trains, from Korea, already came in with airconditioning. For the most part, aircon was good, you didn't have to wait for the train to start moving (and the stale air to get replenished by air from outside) to feel "presko". That is, until the aircons conk out, and you all feel the heat. When the 1st generation trains were retrofitted with aircons, the gaps in the body were all patched up, so when the aircon failed, opening the windows did little to improve comfort; with those "holes" in the body blocked, the natural airflow back in the pre-aircon days was gone. The 2nd generation trains are probably the worst (there are now 3 generations of trains in LRT1) because their aircons are always failing, and even with windows open, they have no airflow of any sort.

Aircon also brought new types of precipitation to deal with.

Ceiling drip or "LRT rain" - this is the water vapor from our collective breaths that condenses on the ceiling of the train, especially on the rim/edge of the aircon vents, then as it accumulates, begins dripping on some poor passenger's scalp, or arm or pant leg. It's very annoying, and the automatic reaction of passengers is one of disgust. The trains are quite dirty, accumulated dust on the aircon vents is visible, and that dust gets absorbed by the droplets. And then there are those people who think the water is from saliva.

LRT fog - if you're an eyeglass wearer (see my "Salamin" post), you are familiar with this. In wet weather, as you disembark from the cold train, the moisture in the air suddenly condenses on your eyeglass lenses, and you can't see anything. Before you know it, somebody's bumped into you. Quick reaction, remove glasses, wipe lenses, replace glasses.

LRT dew - now, this is something to really think about. You're in the LRT, you're standing, and after say a handful station stops, some seated passenger in front of you or near you stands up, and gets off the train. You react quickly, you take the seat, you actually pretend not seeing a "lady" who also wanted the seat. Your feet hurt, you're a bit sleepy, and it's better sleeping while seated than standing up, so you're taking this seat! Now, if you've been observing, you would have seen that at the spot where the passenger had previously sat, there's a long patch of "dew" that seemed to have come from nowhere, and now you're sitting on it.
Now LRT and MRT seats are plastic and do not absorb moisture. The "dew" that you just sat on is water vapor that had come from the previous passenger's butt and had condensed on the seat. You're sitting on ass sweat. And you are able to observe this (assuming you waited before sitting) only because LRT seats do not absorb the moisture right away. The thing is, "LRT dew" is not exclusive to the LRT, it's everywhere people sit. Imagine the amount of unseen ass sweat on padded bus, taxi or FX seats! Or movie house seats, where people sit for long periods of time!
Now, you also know that out of force of habit, a lot of Filipino people slap or tap the seat before sitting on it. The superstition is, they're driving away the body heat of the previous sitter, so they will not catch his/her "alimuom". Do they know they're slapping ass sweat?
I hate my curiousity sometimes. I see everything, well, almost everything. And I shouldn't. Some things are better not seen.

Wednesday, September 16, 2009

Sports Team Names, Female Version

Kung nakakapanood ka ng collegiate sports sa Pilipinas, alam mo na siguro na ang mga koponan o teams ay may mga pangalang nakadugtong doon sa pangalan ng mismong paaralan nila. Halimbawa, UP Maroons, o UE Warriors. Hindi naman ito unique sa Pilipinas, dahil sa mga kolehiyo sa Amerika e ganyan din. Sa katunayan, ligtas nang sabihin na doon lang naman natin ginaya iyan. Ganyan din ang mga koponang propesyonal, maging sa Amerika man o dito. May LA Lakers, may Ginebra Gin Kings. May Boston Bruins, may Crispa Redmanizers.

Pero ang mga pangalan ng mga propesyonal na koponan sa Pilipinas ay may pagka-komersyal, pangalan na ang layunin ay ipaalala sa atin kung anong produkto ang ibinebenta nila. Kaya may Gin Kings (Ginebra), TJ Hotdogs (Purefoods), Ice Cream Makers (Magnolia), Painters (YCO), Beermen (San Miguel), Rhum Makers (Anejo o Tanduay). Yung iba dito, positibo ang dating (ibig sabihin, nagpapahayag ng lakas), kagaya ng Tamaraws (Toyota dati) at Barako (Red Bull). Pero ang karamihan ay masasabi mong "lame". Saan ka naman nakakita ng koponang tinawag na Ice Cream Makers kundi dito lang? At ayaw na ayaw ng mga Kano na matawag na "Hotdog", kasi ang hotdog e yung player na mayabang, pasikat sa coach, scouts at fans, buwaya sa bola at walang alam kundi mag-exhibition at umiskor. Pag hotdog ka, hirap kang magpa-recruit sa mga top tier colleges o sa propesyonal teams, kasi ang impresyon ng mga coach sa iyo, mayabang ka at kulang sa disiplina at mahirap pasunurin sa isang sistema ng opensa at depensa. Pero dito sa atin, ang Hotdog e pangalan pa ng koponan.

Mas may hawig ang mga college team names natin dun sa kanilang pinaghugutan sa Amerika. Ang mga pangalan na iyan ay karaniwang hango sa mga hayop (Eagles, Tigers, Lions, Tamaraws, Falcons, Cardinals, Stags, Bulldogs). Pero mayroon din namang galing sa tao (Archers, Warriors, Knights, Bombers). Ang mga pangalan sa mga sports teams sa kolehiyo (o maging sa karamihang mga propesyonal na koponan sa Amerika) ay may layuning mag-project ng imahe ng bilis at lakas, mga katangian ng sinumang sumasali sa top-level na competitive sports. Kaya sila'y karaniwang pangalan ng mga hayop na maninila o mandaragit, o kaya nama'y tao na ang aktibidad ay may kinalaman sa digmaan.

Ngayon, alam din natin na ang mga kolehiyo ay mayroon na ring mga women's teams, dahil matagal-tagal na rin namang laganap ang pagsali sa sport ng mga estudyanteng kababaihan. Ang lahat ng ito ay maganda, maliban lang sa isang bagay.

Tila yata may pagka-awkward yung ibang mga pangalan na ibinibigay natin sa mga sports teams natin na pambabae.

Napansin ko kasi, parang nagkakasya na lang sila sa pagkakabit ng katagang "Lady" sa pangalan ng kanilang team na panlalaki. Hindi ito masama basta nasa lugar, sa katunayan, sa Amerika may koponan na Lady Vols. Ang problema lang, pag ang pangalan na kinabitan ng lady ay nagreresulta sa isang kontradiksyon. O yung tinatawag na oxymoron.

Halimbawa: Lady Stags

Ang stag e lalaking usa (male deer). Mas ginagamit ito sa British usage, kasi ang pinapaborang salita ng mga Kano ay "buck". Whatever, basta ang stag e gender-specific na pangalan ng hayop. Kabitan mo ang stag ng lady, e... ewan. E ano ang isusunod? Lady Bulls? Lady Boars? Lady Roosters?

Ganoon din ang Lady Knights, kasi historically, puro lalaki lang naman ang mga knights. Huwag sanang ikagagalit ng mga babae, pero kung (kung) nagkaroon man ng knight na babae, ito ay hindi normal. Isang exception.

Ano ang halimbawa ng tamang pangalan ng pambabaeng sports team?

UST Tigresses. Female ng tiger, may imahe rin ng lakas (tigre e!). Perfect.
Ganoon din San Beda Red Lionesses. Parang sa UST, ibang hayop nga lang.

Kaya lang masyadong madali ang dalawang ito. Gimme, ika nga. Mayroon naman kasi talagang known female forms ang tiger at lion. E paano kung "Wild Dogs" ang pangalan ng panlalaking team ninyo? E di ang pambabae, "Wild Bitches"? Parang may pagka-pornographic, ano? Babalik na lang sa Lady Dogs, tutal generic na rin naman ang gamit sa dog, pwede nang male at female (yes, I have too much time in my hands). Buti na lang hindi fashionable na gamitin ang Dogs.

Eto ang paborito ko.

UE Amazons. May koneksyon na nga sa Warriors, may imahe na nga ng lakas, pambabae pa talaga.

Tuesday, September 15, 2009

The Shorties

“Sayang”
Ano kaya ang iniisip ni Claire dela Fuente ngayon? Ang kanyang iconic na kanta, yung “Sayang” e may airtime na naman, pero hindi siya ang kumakanta? Bagkus e isang lalaking singer. Isang lalaking singer na mas matinis pa ang boses kaysa kanya, at mas maarte pang kumanta kaysa kanya. Kung sa Capampangan na natutunan ko mula pagkabata, ang tawag namin sa ganyang pagkanta e "magege". Sa kontemporaryong Tagalog, makulot. Hindi ko gusto ang makulot na pagkanta, kaya nga hindi ko naging paborito si Mariah Carey.

At lalung-lalo na pag lalaki ang kumakanta. Give me the original Claire version anytime.

“Pulboron”
Polvoron, polboron, pulboron, pulburun.
Alam natin kung ano yan. Kahit sa aling lengguaheng alam ko.

Ang tanong: kung hindi naimbento ang powdered milk, o ang tinatawang na dry milk ng mga British, magkakaroon kaya ng polboron? Imadyin? E kung di nagkaroon ng kondensada? Ng ebaporada? Ilang pagkaing/kananing Pinoy ang hindi susulpot sa mundo?

“Babae”
Maaaring alam na ito ng marami, pero kung sakaling hindi e sasabihin ko na: hindi lahat ng lamok ay nangangagat at sumusipsip ng dugo. Sa katunayan, ang mga lalaking lamok ay sumisimsim lang ng nectar ng bulaklak (mas may dating iyan pag in-Inglis mo, hahaha). Ang mga babaeng lamok lamang ang nangangagat at sumispsip ng dugo.

I know most men would insist it’s not just female mosquitoes that suck the blood from them. He he he he he! Pati yung mga babaeng...

Linta! Akala mo ano na, ano? Actually, sa linta, wala naman yatang pagkakaiba sa gender, pareho lamang maninipsip ng dugo.

Meron pa ba? Palagay ko hanggang doon na lang sa linta. Pag naman may garapata ka pa, wala ka na talaga.