Friday, September 25, 2009

Itsura

Ayon sa kasabihan, "beauty is skin deep." Paborito iyan ng mga walang masyadong good looks, gaya ko. Hehehe.

Sabi naman ng mga scientist, pag binalatan mo daw ang leon at tigre, at pinagtabi mo ang kanilang carcass, tanging ang mga especialista lang sa pag-aaral ng mga pusa ang makapagsasabi kung alin ang leon at alin ang tigre. Ganoon sila kalapit sa pagiging magkamukha pag inalis mo na ang balat at balahibong pagkakakilanlan.

(Siyempre, dahil ako ang nagsusulat, may palihis na trivia pa: ang mga leon at tigre, bagama't magkaiba ng species, e pwedeng pag-asawahin at magkaanak. Kapag ang ama ay leon, ang tawag sa anak nila ay liger, kapag ang tigre ang ama, tigon naman. Isang resulta ng pag-aasawahan ng leon at ng babaeng tigre (tigresa o tigress) ay ang pagkawala ng growth inhibitor sa anak na liger. Ito ay patuloy na lumalaki habang nabubuhay. Kaya liger ang may hawak ng rekord na pinakamalaking pusa, bagama't hindi ito natural-bred na hayop.)

OK, balik na tayo. Hehehe.

"Beauty is skin-deep."

Actually, it's probably even less. Mayroon akong kakilala na masasabi mong maganda dati. Dati, ibig sabihin, past tense na. Anong nangyari?

Hindi naman siya nagkaroon ng aksidente na nagbunga ng malubha at kalat na mga sugat sa mukha o katawan na sisira sa itsura ng kanyang "balat". Hindi siya nagkaroon ng "disfiguring" na sakit sa balat, gaya ng bulutong, eczema, psoriasis o ketong. Hindi siya naging biktima ng pagkasunog o pagkalapnos. Sa katunayan, wala pa rin siyang malaki at kapansin-pansing pilat o peklat sa mukha o katawan man. Nagkaroon lang siya ng thyroidism, na naging dahilan ng pagluwa at paglaki ng kanyang mata. Yun lang ang nabago. Mula noon, nag-iba na ang kanyang itsura.

Maybe beauty isn't even skin deep.
Maybe beauty is not in the eyes of the beholder.

Maybe beauty is in the eyes. 'Labo ba?

Think about it. May kakilala ka bang tao na nabulag, tapos, due to the injury suffered by the eye, e nag-shrink din ang mata? Tapos, nag-drop ang eyelid? O kahit simpleng nabulag lang, pareho pa rin ang profile ng mata, pareho pa rin ang eyelid, pero dahil hindi na makakita, e wala nang buhay ang mata? Naging gray ang kulay, di nagpapalit ng laki ng pupil, di nagniningning. Iba na ang itsura niya di ba? Simpleng mata lang ang nagbago.

Love your eyes. They not only determine what you see, they also determine what you look like.

No comments:

Post a Comment