Monday, November 9, 2009

Pronunciation

Di naman sa ako'y nagmamagaling sa mga foreign names o sa English kaya. Pero nakakapanood ako ng mga foreign shows, mapa-sports man o documentary o news, maging entertainment. Kahit paano, napi-pick-up ko ang pag-pronounce ng mga pangalan ng tao.

Ang sakit na kasi ng tenga ko sa kakarinig ng pagbigkas ng mga lokal na TV anchors sa pangalan ni Lindsay Lohan. O sa pangalang Stephen. Naaalala ko pa, may isa akong ka-opisina na kinorek pa ako ng i-suggest ko ang alam kong tamang pronunciation ng Lindsay. Sabi niya "tama yun kung sa panlalaki, yung L-i-n-d-s-e-y..." Actually, mali siya. Dahil kung tama siya, mali yung mga taga Star Sports, mga tennis players, journalists at fans na tumatawag ng "lindsee" kay Davenport. At yung mga taga mainstream news at entertainment news na tumatawag ng "lindsee" kay Bb. Lohan.

Wala nang ligoy pa...

Ang Lindsey at Lindsay ay pareho lang ng bigkas. Walang pagkakaiba. Yung may "e" ang karaniwang ginagamit na masculine form, sa panulat. Otherwise, sa bigkas, walang pagkakaiba. Kung ayaw mong maniwala, manood ka ng E-buzz. O kahit ng CNN. Since di na gaanong naglalaro si Lindsay Davenport, baka di ka na palarin sa Star Sports o sa Balls Channel.

Ang Stephen at Steven ay iisang bigkas lamang. Yung may "v" na tunog. I know, I know, guilty din ako diyan. Pero ngayon alam mo na, ha?

Safeguard

Kung paniniwalaan mo ang patalastas ng Safeguard, ibig sabihin, normal lang para sa isang maybahay na bumili ng sabon sa botika o pharmacy. Di kaya mas mamamahalan siya pag ganoon? Nasubukan mo na bang mamili ng mga "grocery" sa Mercury? Mura ba? Singmura ng SM? O kaya ng sari-sari sa kanto?

Matagal na akong familiar sa ads ng Safeguard. Laking radyo kasi. Mula DZRH hanggang nung unang makapanood ng TV. Laging involved ang medical community sa Safeguard ads. Medical technologists, doctors, nurses, "health professionals". Mga testimonya ng mga taga-medisina sa pagiging superyor ng Safeguard. Na feeling mo pag hindi Safeguard ang sabon mo, ang bobo mo, o kaya ang sama mong magulang, kasi hinahayaan mong gumamit ng sabon na hindi nakakamatay ng germs ang mga anak mo.

Dahil din sa Safeguard ads, naging iisa lang ang alam na kahulugan ng Pinoy sa salitang Germ o Germs. Palagi itong masama. Isang bagay na nagdudulot ng sakit. Kawawa naman ang bokabularyong Pilipino.

By da wey, Safeguard din ang gamit ko. Epektib e. Pero hindi ako sa botika bumibili. Korni naman kung doon ako bibili. Besides, ang tagal bumili sa botika.

Friday, September 25, 2009

Itsura

Ayon sa kasabihan, "beauty is skin deep." Paborito iyan ng mga walang masyadong good looks, gaya ko. Hehehe.

Sabi naman ng mga scientist, pag binalatan mo daw ang leon at tigre, at pinagtabi mo ang kanilang carcass, tanging ang mga especialista lang sa pag-aaral ng mga pusa ang makapagsasabi kung alin ang leon at alin ang tigre. Ganoon sila kalapit sa pagiging magkamukha pag inalis mo na ang balat at balahibong pagkakakilanlan.

(Siyempre, dahil ako ang nagsusulat, may palihis na trivia pa: ang mga leon at tigre, bagama't magkaiba ng species, e pwedeng pag-asawahin at magkaanak. Kapag ang ama ay leon, ang tawag sa anak nila ay liger, kapag ang tigre ang ama, tigon naman. Isang resulta ng pag-aasawahan ng leon at ng babaeng tigre (tigresa o tigress) ay ang pagkawala ng growth inhibitor sa anak na liger. Ito ay patuloy na lumalaki habang nabubuhay. Kaya liger ang may hawak ng rekord na pinakamalaking pusa, bagama't hindi ito natural-bred na hayop.)

OK, balik na tayo. Hehehe.

"Beauty is skin-deep."

Actually, it's probably even less. Mayroon akong kakilala na masasabi mong maganda dati. Dati, ibig sabihin, past tense na. Anong nangyari?

Hindi naman siya nagkaroon ng aksidente na nagbunga ng malubha at kalat na mga sugat sa mukha o katawan na sisira sa itsura ng kanyang "balat". Hindi siya nagkaroon ng "disfiguring" na sakit sa balat, gaya ng bulutong, eczema, psoriasis o ketong. Hindi siya naging biktima ng pagkasunog o pagkalapnos. Sa katunayan, wala pa rin siyang malaki at kapansin-pansing pilat o peklat sa mukha o katawan man. Nagkaroon lang siya ng thyroidism, na naging dahilan ng pagluwa at paglaki ng kanyang mata. Yun lang ang nabago. Mula noon, nag-iba na ang kanyang itsura.

Maybe beauty isn't even skin deep.
Maybe beauty is not in the eyes of the beholder.

Maybe beauty is in the eyes. 'Labo ba?

Think about it. May kakilala ka bang tao na nabulag, tapos, due to the injury suffered by the eye, e nag-shrink din ang mata? Tapos, nag-drop ang eyelid? O kahit simpleng nabulag lang, pareho pa rin ang profile ng mata, pareho pa rin ang eyelid, pero dahil hindi na makakita, e wala nang buhay ang mata? Naging gray ang kulay, di nagpapalit ng laki ng pupil, di nagniningning. Iba na ang itsura niya di ba? Simpleng mata lang ang nagbago.

Love your eyes. They not only determine what you see, they also determine what you look like.

Tuesday, September 22, 2009

Tambol Na Lata

(Nag-aalangan akong isulat ito dahil baka hindi ko mabigyan ng hustisya ang paksang ito. Kulang ang talas ng aking kaisipan, kulang ang aking kakayahang maglarawan, at kulang ang lalim ng aking pagsusuri, upang maipaabot nang husto ang aking nais sabihin. Ang layunin ko lang ngayon ay iulat siya, para ang makakabasa ay magkaroon ng interest at curiosity. Mas mainam na ito’y maranasan nang personal.)

Makikita mo sila sa gilid ng kalsada sa Buendia, kung dudungaw ka sa bus habang nakatirik ito sa trapik, habang bagot ka na bagot sa paghihintay na umabante ang mga sasakyan dahil late na late ka na. Ang pagkatengga ay bahagi na ng bawat umaga mo bilang nag-oopisina sa Makati business district. Makikita mo sila, mga batang may dala-dalang mga lata na iba’t ibang laki, na pinagtali ng isang gomang itim na marahil ay hango sa ginupit na goma ng ‘interior’ o inner tube ng gulong. Kinakalikot nila ang mga lata, pinipitik, tinitingnan ang ‘pitch’ o taas ng tono ng bawat isa. Pagkakaiba ng pitch ang dahilan kung bakit iba-iba ang laki ng mga lata, dahil sila’y nagsisilbing tambol. Pinapalo, tinatapik, kinakaskas para malaman ang tunog. Paminsan-minsa’y inaalisan din ng kalawang o anumang duming nakakapit ang mga lata. Syempre, kailangan presentable.
Dati-rati, sa awitin lang ng APO Hiking Society na “Doo Bi Doo Bi Doo” ko naririnig ang tambol na lata, at bilang isang salita lang na kumakatawan sa isang bagay. Kaya ko siyang imaginin, pero hindi pa talagang nakikita o naririnig. Pero ngayon sa Buendia, at marahil sa iba’t ibang kalsada na rin ng Kamaynilaan, makikita at maririnig mo na siya.

Parisan sila kung magtrabaho, mga batang napakamura pa ng gulang para magtrabaho sa kalye. Nag-aabang ng mga sasakyan. Yung isa, madalas yung mas maliit, ang papasok sa jeep, lulusot sa mga nag-uumpugang tuhod ng mga pasahero para makarating hanggang kaloob-looban. Ang reaksyon ng mga bagong ligo at bagong bihis na mga nag-oopisina ay mabilis, iiiwas nila ang kanilang mga pantalon, stockings at sapatos, yung iba ay magtatakip ng ilong o ipapaling ang mukha, dahil madalas kaysa hindi ay amoy pawis o anghit ang bata dala ng hindi madalas na paliligo. Yung kanyang kasama naman, uupo sa may pintuan ng jeep, patalikod sa mga pasahero, at paharap sa driver ng kung ano mang nakasunod na kotse, bus o iba pang sasakyan. Magtatambol siya sa tambol na lata, sa pamamagitan lang ng kanyang mga daliri, at kakanta ng kahit anong kanta, madalas ay medley ng kung ano mang kanta na alam niya. Palipat lipat ang kanyang mga kamay dun sa mga latang iba-iba ang laki, hinahanap ang tono na babagay sa kanyang kinakanta. Hindi pa rin siya gaanong tumatama, kung papakinggan mo, dalawang tracks ng musika (o ingay, depende sa panlasa mo) ang iyong naririnig; yung kanta, at yung tambol. Magkaiba ng tono, magkaiba ng tiyempo. Kung magkatugma ay OK, kung hindi naman, di bale na lang. Habang ang musikero ay nagpipilit (o ‘going through the motions’ depende sa pananaw mo) na magbigay ng aliw, yung kasama niyang pumasok sa loob ay magsisimulang manghingi ng limos. Mabilisan ito, mabilis na kantahan, at mabilis din na panghihingi. Di na masyadong pinagtatagal ang nakalahad na palad sa pasaherong dedma at ayaw magbigay. Marami namang sasakyan, at marami pang pasaherong mahihingan ng barya. Mas mainam sana kung sa bus sila makakatugtog at makakapanghingi ng limos.

Siksikan ang mga bus na patungong Ayala tuwing umaga. Pinagpipilitan ng mga barker, driver at kundoktok na pasakayin ang lahat ng kakasya, hindi lang sa mga upuan na kadalasa’y alanganin ang laki (ang mga pandalawahan ay maluwag lang sa isang tao, ang mga tatluhan ay maluwag lang sa dalawang tao), kundi maging sa center aisle. Bawat pasaherong sumakay na tatayo na lamang ay pinauusog sa likuran, para maisiksik pa yung mga sasakay pa. Pero dahil kulang na kulang ang transportasyon papuntang Ayala, walang choice ang mga pasahero kundi magtiyagang tumayo at makipagsiksikan. Ang mga nagbabago ng isip at bumababa habang nasa may estribo pa lang ay hinahabol pa ng insulto at mura ng mga kundoktor, driver at barker. Maaarte daw, nang-aabala at humaharang pa sa ibang gustong sumakay. Para namang di pa sapat na siksikan kayo, pag naningil pa ng pamasahe ang kundoktor ay sisingit pa siya sa inyo, pauusugin kayo para siya makaraan. Nagkakaapakan ng di dapat maapakan, nagkakaamuyan ng di dapat maamoy. Pero ito’y kwento sa ibang pagkakataon. Ang ibig lamang sabihin ay hirap makasingit sa bus ang mga batang magtatambol dahil siksikan na nga, at madalas ay hindi naman talaga sila pagbubuksan o paaakyatin ng driver. Pag hindi na rush hour, pwede, kung papayagan.

Sa unang pagkarinig ko sa awit ng boses-bata na sinasaliwan ng walang kawawaang tunog-lata, ang una kong naramdaman ay hiya. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing nakakakita ako ng mga taong dukhang-dukha sa mga publikong lugar, ako’y nahihiya. (Ganito rin ang pakiramdam ko sa ibang mga eksena ng karukhaan sa Buendia: ang ina na sumasalok ng malinaw na tubig sa hukay sa kalsada, tubig na nagmumula sa tumatagas na tubo ng MWSS, o kaya nama’y tubig-ulan na nalipasan na ng ilang oras at luminaw na dahil nag-settle na ang putik sa ilalim, upang ipampaligo sa anak na nanlilimahid ang damit dahil yun at yun lang ang isinusuot, o kaya nama’y ilalagay sa pitsel para kanilang inumin o ipanluto. O kaya pag gabi na, yung mga iskwater at homeless sa may estero na naghihiwalay sa Makati at Pasay, malapit dun sa dating Houseware Square, na nagsisitulog na sa sidewalk habang isang metro lang sa tabi nila ay bumper-to-bumper ang trapik ng mga kotse, SUV, AUV, at mga pampasaherong bus at jeep, maingay ang mga makina at busina dahil maiinit na rin ang mga ulo ng mga driver dahil sila’y gagabihin na naman at hindi makakapanood ng showbiz news at telenovela.)

Bakit nga ba ako nahihiya? Iniisip ko ba na baka may turistang foreigner na makakakita na may street musicians sa loob ng mga sasakyan sa Piipinas?
O nahihiya ako dahil nakapag-almusal na ako, may cellphone, may cable TV at DVD, may pera naman kahit paano sa bulsa, pero may mga batang paslit na sa halip na nasa eskwela ay nasa lansangan, at kailangan pang gumawa at tumugtog ng tambol na lata para lang makahingi ng konting barya?
O nahihiya ako dahil bagama’t titig na titig na parang nang-uusig ang mga mata ng batang nagtatambol sa driver ng nakabuntot na mamahaling SUVing gawa sa Amerika o modelong kotse na gawa sa Japan e hindi pa rin naaantig ang damdamin ng nasabing driver, o ng alin man niyang pasahero, dahil siguro may iba silang iniisip, lalo pa’t late na sila sa opisina?

Umuunlad na daw ang ating bansa, pero bakit ganito?

Dati-rati, sa kanta lang ng APO Hiking Society ko naririnig ang salitang tambol na lata. Akala ko laruan lang siya, isang first step ng batang musikero patungo sa pagiging seryosong drummer. Tambol na lata muna habang wala ka pang pambili ng drum kit. Pero hindi pala, ang tambol na lata pala ay seryosong instrumento. Seryoso dahil panghanapbuhay ng batang namamalimos.

Friday, September 18, 2009

Forms of precipitation

As a daily passenger of the overhead trains (the LRT and MRT, that is), I know the usual hazards: cramped conditions, overworked aircon, pickpockets, people stepping on your toes, you stepping on other people's toes, crushed luggage, crumpled clothes, soiled shoes, the occasional staredowns, jawing matches, angry talk that almost always lead to nothing but ruin your day anyway.

And then there's rain. In the old days, when there was only one LRT, the train cars were not airconditioned, the windows were open, which let in fresh air. Unfortunately, this also let in rain during the wet season.

Then somebody thought about airconditioning the rail network, so aircon systems were retrofitted to the old Belgian made trains, while the 2nd generation trains, from Korea, already came in with airconditioning. For the most part, aircon was good, you didn't have to wait for the train to start moving (and the stale air to get replenished by air from outside) to feel "presko". That is, until the aircons conk out, and you all feel the heat. When the 1st generation trains were retrofitted with aircons, the gaps in the body were all patched up, so when the aircon failed, opening the windows did little to improve comfort; with those "holes" in the body blocked, the natural airflow back in the pre-aircon days was gone. The 2nd generation trains are probably the worst (there are now 3 generations of trains in LRT1) because their aircons are always failing, and even with windows open, they have no airflow of any sort.

Aircon also brought new types of precipitation to deal with.

Ceiling drip or "LRT rain" - this is the water vapor from our collective breaths that condenses on the ceiling of the train, especially on the rim/edge of the aircon vents, then as it accumulates, begins dripping on some poor passenger's scalp, or arm or pant leg. It's very annoying, and the automatic reaction of passengers is one of disgust. The trains are quite dirty, accumulated dust on the aircon vents is visible, and that dust gets absorbed by the droplets. And then there are those people who think the water is from saliva.

LRT fog - if you're an eyeglass wearer (see my "Salamin" post), you are familiar with this. In wet weather, as you disembark from the cold train, the moisture in the air suddenly condenses on your eyeglass lenses, and you can't see anything. Before you know it, somebody's bumped into you. Quick reaction, remove glasses, wipe lenses, replace glasses.

LRT dew - now, this is something to really think about. You're in the LRT, you're standing, and after say a handful station stops, some seated passenger in front of you or near you stands up, and gets off the train. You react quickly, you take the seat, you actually pretend not seeing a "lady" who also wanted the seat. Your feet hurt, you're a bit sleepy, and it's better sleeping while seated than standing up, so you're taking this seat! Now, if you've been observing, you would have seen that at the spot where the passenger had previously sat, there's a long patch of "dew" that seemed to have come from nowhere, and now you're sitting on it.
Now LRT and MRT seats are plastic and do not absorb moisture. The "dew" that you just sat on is water vapor that had come from the previous passenger's butt and had condensed on the seat. You're sitting on ass sweat. And you are able to observe this (assuming you waited before sitting) only because LRT seats do not absorb the moisture right away. The thing is, "LRT dew" is not exclusive to the LRT, it's everywhere people sit. Imagine the amount of unseen ass sweat on padded bus, taxi or FX seats! Or movie house seats, where people sit for long periods of time!
Now, you also know that out of force of habit, a lot of Filipino people slap or tap the seat before sitting on it. The superstition is, they're driving away the body heat of the previous sitter, so they will not catch his/her "alimuom". Do they know they're slapping ass sweat?
I hate my curiousity sometimes. I see everything, well, almost everything. And I shouldn't. Some things are better not seen.

Wednesday, September 16, 2009

Sports Team Names, Female Version

Kung nakakapanood ka ng collegiate sports sa Pilipinas, alam mo na siguro na ang mga koponan o teams ay may mga pangalang nakadugtong doon sa pangalan ng mismong paaralan nila. Halimbawa, UP Maroons, o UE Warriors. Hindi naman ito unique sa Pilipinas, dahil sa mga kolehiyo sa Amerika e ganyan din. Sa katunayan, ligtas nang sabihin na doon lang naman natin ginaya iyan. Ganyan din ang mga koponang propesyonal, maging sa Amerika man o dito. May LA Lakers, may Ginebra Gin Kings. May Boston Bruins, may Crispa Redmanizers.

Pero ang mga pangalan ng mga propesyonal na koponan sa Pilipinas ay may pagka-komersyal, pangalan na ang layunin ay ipaalala sa atin kung anong produkto ang ibinebenta nila. Kaya may Gin Kings (Ginebra), TJ Hotdogs (Purefoods), Ice Cream Makers (Magnolia), Painters (YCO), Beermen (San Miguel), Rhum Makers (Anejo o Tanduay). Yung iba dito, positibo ang dating (ibig sabihin, nagpapahayag ng lakas), kagaya ng Tamaraws (Toyota dati) at Barako (Red Bull). Pero ang karamihan ay masasabi mong "lame". Saan ka naman nakakita ng koponang tinawag na Ice Cream Makers kundi dito lang? At ayaw na ayaw ng mga Kano na matawag na "Hotdog", kasi ang hotdog e yung player na mayabang, pasikat sa coach, scouts at fans, buwaya sa bola at walang alam kundi mag-exhibition at umiskor. Pag hotdog ka, hirap kang magpa-recruit sa mga top tier colleges o sa propesyonal teams, kasi ang impresyon ng mga coach sa iyo, mayabang ka at kulang sa disiplina at mahirap pasunurin sa isang sistema ng opensa at depensa. Pero dito sa atin, ang Hotdog e pangalan pa ng koponan.

Mas may hawig ang mga college team names natin dun sa kanilang pinaghugutan sa Amerika. Ang mga pangalan na iyan ay karaniwang hango sa mga hayop (Eagles, Tigers, Lions, Tamaraws, Falcons, Cardinals, Stags, Bulldogs). Pero mayroon din namang galing sa tao (Archers, Warriors, Knights, Bombers). Ang mga pangalan sa mga sports teams sa kolehiyo (o maging sa karamihang mga propesyonal na koponan sa Amerika) ay may layuning mag-project ng imahe ng bilis at lakas, mga katangian ng sinumang sumasali sa top-level na competitive sports. Kaya sila'y karaniwang pangalan ng mga hayop na maninila o mandaragit, o kaya nama'y tao na ang aktibidad ay may kinalaman sa digmaan.

Ngayon, alam din natin na ang mga kolehiyo ay mayroon na ring mga women's teams, dahil matagal-tagal na rin namang laganap ang pagsali sa sport ng mga estudyanteng kababaihan. Ang lahat ng ito ay maganda, maliban lang sa isang bagay.

Tila yata may pagka-awkward yung ibang mga pangalan na ibinibigay natin sa mga sports teams natin na pambabae.

Napansin ko kasi, parang nagkakasya na lang sila sa pagkakabit ng katagang "Lady" sa pangalan ng kanilang team na panlalaki. Hindi ito masama basta nasa lugar, sa katunayan, sa Amerika may koponan na Lady Vols. Ang problema lang, pag ang pangalan na kinabitan ng lady ay nagreresulta sa isang kontradiksyon. O yung tinatawag na oxymoron.

Halimbawa: Lady Stags

Ang stag e lalaking usa (male deer). Mas ginagamit ito sa British usage, kasi ang pinapaborang salita ng mga Kano ay "buck". Whatever, basta ang stag e gender-specific na pangalan ng hayop. Kabitan mo ang stag ng lady, e... ewan. E ano ang isusunod? Lady Bulls? Lady Boars? Lady Roosters?

Ganoon din ang Lady Knights, kasi historically, puro lalaki lang naman ang mga knights. Huwag sanang ikagagalit ng mga babae, pero kung (kung) nagkaroon man ng knight na babae, ito ay hindi normal. Isang exception.

Ano ang halimbawa ng tamang pangalan ng pambabaeng sports team?

UST Tigresses. Female ng tiger, may imahe rin ng lakas (tigre e!). Perfect.
Ganoon din San Beda Red Lionesses. Parang sa UST, ibang hayop nga lang.

Kaya lang masyadong madali ang dalawang ito. Gimme, ika nga. Mayroon naman kasi talagang known female forms ang tiger at lion. E paano kung "Wild Dogs" ang pangalan ng panlalaking team ninyo? E di ang pambabae, "Wild Bitches"? Parang may pagka-pornographic, ano? Babalik na lang sa Lady Dogs, tutal generic na rin naman ang gamit sa dog, pwede nang male at female (yes, I have too much time in my hands). Buti na lang hindi fashionable na gamitin ang Dogs.

Eto ang paborito ko.

UE Amazons. May koneksyon na nga sa Warriors, may imahe na nga ng lakas, pambabae pa talaga.

Tuesday, September 15, 2009

The Shorties

“Sayang”
Ano kaya ang iniisip ni Claire dela Fuente ngayon? Ang kanyang iconic na kanta, yung “Sayang” e may airtime na naman, pero hindi siya ang kumakanta? Bagkus e isang lalaking singer. Isang lalaking singer na mas matinis pa ang boses kaysa kanya, at mas maarte pang kumanta kaysa kanya. Kung sa Capampangan na natutunan ko mula pagkabata, ang tawag namin sa ganyang pagkanta e "magege". Sa kontemporaryong Tagalog, makulot. Hindi ko gusto ang makulot na pagkanta, kaya nga hindi ko naging paborito si Mariah Carey.

At lalung-lalo na pag lalaki ang kumakanta. Give me the original Claire version anytime.

“Pulboron”
Polvoron, polboron, pulboron, pulburun.
Alam natin kung ano yan. Kahit sa aling lengguaheng alam ko.

Ang tanong: kung hindi naimbento ang powdered milk, o ang tinatawang na dry milk ng mga British, magkakaroon kaya ng polboron? Imadyin? E kung di nagkaroon ng kondensada? Ng ebaporada? Ilang pagkaing/kananing Pinoy ang hindi susulpot sa mundo?

“Babae”
Maaaring alam na ito ng marami, pero kung sakaling hindi e sasabihin ko na: hindi lahat ng lamok ay nangangagat at sumusipsip ng dugo. Sa katunayan, ang mga lalaking lamok ay sumisimsim lang ng nectar ng bulaklak (mas may dating iyan pag in-Inglis mo, hahaha). Ang mga babaeng lamok lamang ang nangangagat at sumispsip ng dugo.

I know most men would insist it’s not just female mosquitoes that suck the blood from them. He he he he he! Pati yung mga babaeng...

Linta! Akala mo ano na, ano? Actually, sa linta, wala naman yatang pagkakaiba sa gender, pareho lamang maninipsip ng dugo.

Meron pa ba? Palagay ko hanggang doon na lang sa linta. Pag naman may garapata ka pa, wala ka na talaga.

Thursday, August 27, 2009

Maria Sharapova

Una kong nakita ang pangalan at letrato ni Maria Sharapova sa website ng ESPN nung 2002. Maliit na kahon lang, ang laman e yung mga bagong tennis player na tila daw sumusunod sa yapak ni Anna Kournikova, samakatuwid ay sa pagiging blonde, na naka-ponytail pa, aral sa Florida, at glamorosa.

Ngayon, alam ko na sa kwento ng mga fans, at maging kung tatanungin mo ang mga player na nakakita na sa kanya nang personal, si Anna Kournikova ang pinakamagandang tennis player, "more beautiful than anyone from Hollywood" ika nga ng isang kolumnista. Pero di ganoon ang dating niya sa letrato. Kaya nang makita ko ang letrato ng noo'y 15-anyos na si Sharapova, ang reaksyon ko ay "no she's no Anna K-clone. Anna never did this to me." Ano ba yung "this"? Tumigil sandali ang makinang pambomba ko ng dugo. Lilinawin ko uli, sa picture lang iyan. Si Sharapova kasi, photogenic at telegenic. Sa personal, iba na. Pero ano ba naman ang pakialam ko sa personal e wala naman akong balak pumunta pa ng ibang bansa para lang makita sila sa personal? Mahal kaya ng airfare, tapos wala naman akong visa.

Nagsimulang sumikat si Sharapova nung 2003 season, nung marating niya ang semis ng Birmingham at ilaglag si Elena Dementieva, kapwa niya Ruso at mas mataas ang ranking sa kanya nung panahon na iyon. Isang "upset" ika nga. Bagamat di naman siya ang nagkampeon doon ng taong iyon, ay iyon na ang umpisa ng kanyang love affair sa mga fans ng Britanya. Nang sumunod na taon, narating niya ang rurok ng kasikatan. Nanalo siya sa Birmingham, suot ang isang simpleng puting damit, habang nasa rurok din ng kanyang "kakyutan". Dalawang linggo pagkalipas, siya na ang pinagkakaguluhan sa Wimbledon. Ang isang pinakahighlight ng week 1 ng 2004 Wimbledon ay ang kanyang laro laban kay Daniela Hantuchova ng Slovakia. Tinext ko pa nga ang kaibigan ko "Sharapova vs Daniela on Star Sports" (first name ang tawag ko kay Hantuchova e). Sagot niya sa akin "already watching it." Sino ba naman ang di mapapapanood? Pareho halos sila ng porma, parehong galing Eastern Europe, parehong Slavic, parehong matangkad, blonde, ponytailed, identical ang Nike dress, Nike na sapatos. Sa nakasisilaw na liwanag ng araw sa English summer, halos magkamukha na sila, parehong maganda. Magkaiba lang sa dalawang bagay: mas maingay si Sharapova, at mas malakas ang pwersa. Straight sets.

(Sa puntong ito siguro e itatanong mo: puro lang ba ganda ang criteria ko sa pagsunod sa isang babaeng tennis player? Reality check: yes. Women's tennis depends some on sex appeal. Some would say a lot. Yes, most its appeal lies in the sex appeal of its players. Ibig bang sabihin noon e monster ako at ibang kagaya ko? Deal with it, it's reality. For the record, ang paborito kong style ng paglalaro ng tennis ay yung kay Martina Navratilova. Serve and volley. Walang naglalaro ng ganoong istilo ngayon, not even the great Steffi Graf. Na paborito ko rin, for her tennis, of course. E since wala naman akong mapapala sa style ng mga modernong player na pare-pareho na lang na power baseliner, dahil wala nang kagaya ni Navratilova, masisisi mo ba ako kung sa itsura tumingin?)

Naaalala ko yung week 2 ng Wimbledon, kasi madalas gabi na akong makarating ng bahay. Quarterfinals, dinatnan kong naghihingalo na si Maria laban kay Ai Sugiyama ng Japan. Pero bumawi at nakatabla, pagkatapos, e umalagwa sa 3rd set. In love na ang mga Briton sa kanya. Ang kanyang itsura, mukhang genuine na emosyon, mukhang genuine na pasasalamat sa Diyos sa bawat swerteng tira na pumasok pa ang bola, bawat retrieve, bawat winner, e talaga namang nakakalugod.

Semifinal, medyo maaga ang uwi ko, pero inabutan ko, tambak sa 1st set laban kay Davenport. Dehado pa sa 2nd set. Tinext ko yung kaibigan ko "we better enjoy this, maybe her last night." Ganoon ako kasigurado na laglag na siya.

Tapos, malakas yata sa panalangin, umulan ba naman. Rain break. Regroup si Sharapova, recharge. Nung ipagpatuloy ang laban, siya na ang lumalamang. Tambak sa 3rd set si Davenport. Nasa finals na si Sharapova! Wow!

Finals day, syempre, dehado. Ang kalaban lang naman, yung defending champion na si Serena Williams, na mula nung French Open 2002 hanggang Australian Open 2003 e siyang may hawak ng apat na "majors" ng tennis. All-time great. The most feared woman in tennis. Si Sharapova, 17, tatatlo pa lang ang titulo, wala ni isang "major" (madalas na tinatawag na Grand Slam, pero mali iyon). Patpatin. Sabi pa nga nila, braso pa lang ni Williams, hita na ni Sharapova. Sa career achievements, maging physical, mismatch talaga. Ang lamang lang ni Sharapova, mas matangkad siya ng 2 inches. At ng araw na iyon, nasa kanya ang puso ng British crowd.

Walang isyu ng oras nung araw na iyon. Sabado kasi, walang pasok, kaya umpisa pa lang, nakabantay na ako sa TV. Text ng kaibigan ko: "if she wins, I'll marry her." And of course, if you saw it, you know what happened. Biglang arangkada si Sharapova, si Williams naman parang nawawala sa sarili. 3-1, 4-1, kamukat-mukat mo, 6-1 1st set to Sharapova na. Lahat, na-shock. Nung maka-break si Serena ng 2nd set, akala ng lahat iyon na ang comeback. Hindi nangyari. Nakabreak din si Sharapova, so balik sa on serve. May tira siyang tumama at nagpadugo sa ilong ni Serena Williams (di naman sinasadya, na-deflect ng net, e, pero sa katawan sana ang patama :) ). Nadulas at natumba pa si Williams. Lob shots na mukhang tsamba na hindi, pati si Williams napapa-palakpak. Panalo. Nang manalo, habang trophy ceremony, inantala pa niya ang mga pangyayari dahil tinawagan sa cellphone ang nanay niya. Cute!

Siya na ang focal point ng tennis. Interview dito, interview doon. Leno, Conan, TRL, Letterman. Nasa Sports Illustrated. Nagbaga ang internet sa dami ng searches, basa ng news, basa ng biography niya, download ng picture. Alam ko na nga ang palayaw niya ("Masha").

Kung iisipin mong mabuti, dapat doon natapos ang istorya. Eternal honeymoon. At her cutest, prettiest, most photogenic best. With the most famous, most important trophy in tennis.

Kaya lang, hindi doon natapos. Lahat ng talo niya pagkatapos ng Wimbledon, nasa spotlight. Sa Beijing. Sa Pilot Pen (di na siya bumalik doon). Sa US Open kay Mary Pierce, after leading most of the first two sets. Nakabawi lang sa Korea at Japan. Pagkatapos, nanalo sa year end championships laban uli kay Serena Williams. Wow, sabi ko, may pattern na. Kaya na niya talaga si Serena. Ang laki ng pag-asa ko.

Semifinals ng Australian Open 2005. Nagharap si Sharapova at si Serena Williams. Ang head-to-head record nila, 2-1 in favor of Sharapova. Kung meron daw characteristic si Sharapova na malaking bentahe, iyon ay yung hindi siya natatakot sa magkapatid na Serena at Venus.

Laban na. Parang Wimbledon ulit. 6-2 sa 1st set, tapos lamang na siya 5-4 sa second. Serving for the match. Wow! And then it happened. Nabreak, nakahold si Williams for 5-6, then nakabreak uli for 5-7 second set to Williams.

In my opinion, that was the turning point of their rivalry, at ng kanya na ring career bilang player. Si Sharapova ang dapat sana'y papalit sa magkapatid na Williams bilang primerang player ng tennis pambabae. Yun ang huling sandali, sa aking palagay, na wala pa talagang takot si Sharapova kay Serena Williams. Pagdating ng 3rd set, nauuna nang mag-serve si Williams, so pressured si Sharapova na mag-hold ng serve. Naka-sabay naman, kahit paano, pero bandang huli talo siya, 8-6. Hindi na siya nanalo ulit kay Serena. Not anywhere. Who would have thought her victory at the 2004 YEC would be her last over Serena? Ang pinakamasakit siguro niyang talo ay nung finals naman ng Australian Open din, year 2007, kung saan pinaglaruan siya ni Serena, 6-1 6-2. Nun ngang manalo siya ng isang game sa 1st set, natuwa na ako. Kita mo kasi sa mukha niya, hindi na siya naniniwala sa sarili niya na kaya pa niyang talunin si Serena.

Of course she would disagree with me. Lahat naman ng top athletes, hindi umaamin ng kahinaan. Pero alam ko. I just know. Bagamat mananalo pa siya ng dalawang majors pa, US Open ng 2006 at Australian Open ng 2008 (finally), alam kong sumisingit lang siya sa magkapatid na Williams. Para ngang naging self-fulfilling prophecy yung sinabi niya kay Serena nung 2004 Wimbledon, sa trophy ceremony, nung pinasalamatan niya si Serena "for letting me borrow this trophy for a year". Nagkatotoo. Kung hindi Serena, Venus naman ang nanalo sa mga Grand Slam tournaments.

Ngayon, si Sharapova pa rin ang aking paboritong player. Hindi siya ang pinakamagaling. Ni hindi siya ang pinakatalented na Russian. (Kuznetsova holds that distinction, ang bentahe ni Sharapova, e yung kanyang mental toughness.) One dimensional siyang maglaro. Hataw lang nang hataw. Walang masyadong diskarte. Maingay pa. Kahit pinapanood mo lang sa TV, nabibingi ka na, imaginin mo na lang ang parusa dun sa mga nanonood ng live?

Hindi na rin siya ganoon ka-cute. Di na natin maibabalik ang kabataan, maging ng artista man o ng atleta. Hindi na siya magiging 17 ulit, payat, as in naaaninag mo ang tadyang sa sobrang payat, underdog, di pa gayon kayaman, di pa ganoon kasikat, di pa ganoon kataas ang ranking, 13th seed lang na nakikipaghamok sa isang top seed, multiple major winner. Hindi na muling babalik ang 2004. Ngayon si Sharapova ay 1 inch taller(6-2 na siya), millions of dollars richer, andaming sasakyan, may sariling model ng Nike at Prince racket, may sariling perfume, 5 years older at mas malaki nang di hamak ang katawan. Pag nakita mo ang balikat niya, well, hindi mo na siya iisiping underdog. Astig na e. Ngayon, siya ang inaasahang manalo, pag natalo, upset. Except pag ang kalaban ay may apelyidong Williams.

Hindi na rin ganoon ka-in love sa kanya ang mga British fans. Nabu-boo na rin siya. Marami nang napapansin na hindi maganda tungkol sa kanya, lalo na ang kanyang kawalan ng concern sa isang injured na kalaban, at ang kanyang pagiging "haughty" sa loob ng court. Ang kanyang mga giggles (hagikgik) na sinasabayan ng tawa ng mga nanonood nung siya'y 17, e nagmumukha ng trying hard at pilit ngayong siya'y 22 na. Marami na ang nagrereklamo sa kanyang pag-atungal sa loob ng court habang pumapalo. Ingay naman talaga kasi.

Nakikita kong lahat iyan (dinetalye ko na nga e.) Hindi ako bulag na tagasunod.

Pero siya pa rin ang paborito ko.

Basta lang. Basta lang.

"Anna never did this to me" sabi ko nung 2002. Even now, that's still true.

Pagpapalit Ng Pangalan

Nitong mga nakaraang araw, e nabalitaan kong balak daw isulong ang pagpapalit ng pangalan ng EDSA to Cory Avenue. Di ko alam kung tutoo ito, pero bagama’t nanatili ang aking paggalang kay Tita Cory mula sa simula ng kanyang public life hanggang sa huli (tingnan ang artikulo sa ibaba), hindi ko ma-gets ang katuturan ng panukalang ito. Sa katunayan, in general e tutol ako sa pagpapalit ng pangalan ng kalsada o baryo, bayan, siyudad o probinsya man. Wala akong nakikitang mabuting dulot ng pagpapalit ng pangalan, at ang sinasabing layunin nito na pagbibigay-parangal sa taong pinagpangalanan ay madalas na hindi nakakamit.

Tutal karamihan naman ng tao, ke mapa-driver o pedestrian o pulis o residente ng lugar, e Buendia pa rin ang tawag sa Buendia, ano ang katuturan ng pagpalit ng pangalan niya ng Gil Puyat? Don’t get me wrong, si Gil Puyat e importante sa aming mga Kapampangan (http://en.wikipedia.org/wiki/Pampanga#Notable_people_from_Pampanga), pero kung hindi kinakagat ng tao ang kanyang pangalan, at ang Gil Puyat e sa stationery lang ng mga opisina at sa mga karatula ng gusali mo lang makikita pero wala sa kamalayan at puso ng tao, e ano ang saysay nito? At least, ang EDSA ay EDSA, sino man ang tanungin mo. Well, except dun sa mga matatanda na sasagutin ka ng “Highway 54.” Pero kokonti lang sila.

Yung Herrera naman, bakit kailangang palitan ng Rufino? Is one obscure Kastila worthier than another? Hindi ako galit sa mga Kastila, ha? All I’m saying is, hindi ko kilala si Herrera o si Rufino man. Anong meron si Rufino na wala kay Herrera? Nakakalito na nga ang paghahanap ng direksyon at babaan sa Ayala, papalitan mo pa ang pangalan ng Herrera? Ano ang susunod na gagawin nila, papalitan ang pangalan ng Paseo de Roxas?

By the way, bakit hindi na lang sa mga kalsada ng Makati Business District sila maghanap ng ipapangalan kay Gng. Cory?

Isang ikinalulungkot ko ay ang pagpapalit ng pangalan ng Montalban patungong Rodriguez. Sigurado ako, yung mga fans nung Mamang Rodriguez ay may sapat na dahilan para magkaroon ng bayang nakapangalan kay G. Rodriguez (ni hindi ko nga alam kung alin sa mga Rodriguez). Pero kailangan ba namang ang Montalban pa? Ang Montalban ay nakadikit na sa alamat ni Bernardo Carpio. Kung babasahin mo ang kasaysayan ng Pilipinas, lalo na sa panahon ng Katipunan at Himagsikan laban sa mga dayuhan, madalas na nababanggit ang Montalban. Bakit ang isang lugar na napaka-historikal e kailangang palitan ang pangalan? Balik tayo sa unahan ng artikulong ito at isipin: bakit kailangang palitan ang pangalan ng EDSA?

Monday, August 3, 2009

Saying goodbye to Cory Aquino

Today, I stood at Ayala Avenue, in the fierce August sun, in the cramped company of many, to say goodbye to Cory Aquino. Ayala, and especially that small, maybe a couple hundred meters between Makati Av. and Paseo de Roxas, plus the place we used to call Ugarte Field, has been second home to Cory since her husband Ninoy's brutal death. Ayala had become the New Plaza Miranda, the place where politicians were weighed and often found wanting. Today, for the last time, Cory called home. And we made sure she had a fitting welcome.

Of course, there's no replacing those halcyon days from 1983-1986. No event on earth could bring back those days, when people gathered under a rain of yellow confetti to tell Marcos, then still very much the strongman, with the backing of the military, and let no one forget, the US of A, to go to Hell. But at least today we had a glimpse of what it was like. Today, we bid Cory goodbye as she goes, we hope, to Heaven. We went to thank her for the simple gift she gave us; herself.

Cory became president when I was in the 3rd year of high school. Those were the days, my friend, we thought they'd never end. We really thought People Power would change the world. And in many ways, it did. When the former Warsaw Pact countries decided they've had enough of Communism and rose against their rulers,we smiled. Yes, some of us even claimed that that was the Euros finally picking up on our cue, finally getting the People Power message. Of course, story of our lives, we didn't get credit for it, Solidarity did. But that's a small matter. We know what we had, and People Power, in its pure state, remains precious, our gift to the world.

Cory wasn't the perfect president. But who was? Anyone who came after Marcos was going to reap hell, and Cory did. Because she held such promise, every one of her missteps was on a highlight reel. Like when one of her uncles was included in the Constitutional Commission. Because she had promised to abolish political dynasties, the announcement of her relative's name drew catcalls and hoots from the crowd. And this was during the so called honeymoon period!

There were other lows, of course, and one of our my friends is reminded of one of them everytime she celebrates her birthday, because it coincides with the Mendiola Massacre.

Then there's the fact that power in government basically remained with the elite, and that many of those "elites" happened to be her relatives.Then there's the awkward solution that they devised for her own family's Hacienda Luisita.

Then there's her march to the Senate in a bid to stop the senators from evicting the Yanks from their bases here.

And yeah, there's also Kris Aquino joining showbiz. But I'll give Cory a pass on that one, she was just a loving mother letting her daughter pursue her happiness.

But for a time, for too short a time, we thought we had a chance. The economy was on the upswing, and the people, still euphoric from victory, were willing to endure any hardship just to get the country on its feet again. All our hopes effectively ended when in August 1987, the flamboyantly egotistical, messianic RAMBoys thought they were far more important than they really were, and tried to wrest power from the civilian government. In later interviews, Enrile would say it was a mistake for Cory's government to ignore the military aspect of EDSA 1, that portraying it as a purely non-violent civilian revolt was an injustice, that it robbed the RAMBoys their due, and rubbed them the wrong way. What? Was it not enough they got to parachute in Luneta during Cory's inauguration, in what was the largest gathering of civilians in our history? Was it not enough they became more famous than they deserved, for being basically Johnny-come-latelys? Was it not enough that their sins during Martial Law, especially those they committed against Cory, were put under the rug? What Enrile and the RAM Boys missed was the obvious, without the crowds in EDSA, they didn't stand a chance. They had no armor and no air power. For all their skills, Marcos's men would have wiped them out. (Just to show the reader I'm not making that up, Proseso Maligalig, a military man and a participant of EDSA 1, summed it up in no uncertain terms: "sa tingin ko lalampasuhin kami"..."People Power saved our lives." Maligalig knew the odds, when 500 men meet 5,000 or more Marcos loyalist troops in an all-out shooting fight, the outcome is inevitable, even if the 500 happen to be RAM Boys. They would have been routed.)

Something else they all missed, and most of us miss: EDSA 1 was just the event that represented the long struggle against Marcos's tyranny, a struggle that began in the early 70's, a struggle that required the sacrifice of many. Cory, and before her, Ninoy, was just the one person who became the face of that struggle. For anyone to claim credit for EDSA 1, let alone the RAM Boys, is the height of arrogance, and ignorance. Yes, Cory became the face of EDSA 1, not because she claimed it, but because we willed her to be so.

A lot of old timers will disagree with me on this, but Cory's government before the first coup represented, in my opinion, our best chance to truly introduce and implement reforms. There were good men there, who unfortunately, were thought by their enemies to have been wearing the wrong color. It was still the height of Cold War, and any mention of Red triggered panic. After August 1987, the trapos crawled back in. The opportunity was lost forever.

Cory should have become president in another country, where her first job would have been to inspire the people to help themselves, and where the technical aspects of the job could be tackled with the help of others without feeling guilty about it. But she became president of the Philippines, where the president is expected to "do everything on his/her own" and "satisfy everybody". Where, if you told the people you have advisers to help you in the technical aspects of the job (like economics, which is something few people really understand, even today), the people reacted with "hindi niya alam ang trabaho niya". Where to even get sick, or to duck for safety when bombs and shells are coming down, is a sign of weakness. No man could have performed the job we asked Cory to do. And since women are probably more capable than men, I should add, no woman could have either.

But in spite of her shortcomings, in spite of the transgressions of the people around her, Cory somehow remained unstained. I guess it had something to do with how she lived. She had what I would call "sense of honor," and lived accordingly. She lived honorably, honestly, simply. Cory was labeled many unsavory things, but never, never was she accused of lying or stealing. Especially stealing. People just knew she wouldn't do it. Their logic, our logic, was, Cory was "dati nang mayaman", an aristocrat, born with a silver spoon in her mouth. Money had never been a problem for her, money held no special power over her. And while one can argue that that logic is faulty, in Cory's case it works. You could just see it. She was never greedy. She never was guilty of extravagance. She lived simply, so others may simply live.

It was after leaving office that the true measure of Cory's legacy became clear to me. It was when Grant Hill, then still healthy and a rising NBA star, went to the Philippines and pronounced he was visiting, among others, Cory Aquino, an icon of democracy all over the civilized world. A few years out of power, and living a very quiet post-Malacanang life, Cory still had that pull on people.

In her last interview with Jessica Soho, Cory said what would probably go down in history as her most memorable quote, surpassing even those heights she reached during the period after Ninoy's death and during the first year of her office, including that famed address before the US Congress. "Ipinagpapasalamat ko sa Panginoon na ginawa niya akong isang Pilipino... karangalan ko iyon, na maging katulad ninyo."

So today we went to relive the old days when Ayala became the hotbed of the protest movement. We went to say goodbye to a woman who left her comfort zone to take up the fight for us. We clapped, we cheered, we wore yellow shirts, we wore yellow ribbons, sowed yellow confetti. Deep down, we know this could all be just symbolic, that in the end all this is futile. The people in power now are too drunk with power to let go. The people are too numbed by the pain of their own labors, too numbed by the outrageousness of the transgressions of those in power, too cynical, to demand change. Maybe this is just one last defiant thrust of the fist into the darkening sky.

And maybe we went there to see Cory one last time, and to welcome her home one last time, and to send her away one last time, because we know with her passing comes the end of an era, of a time that will not come again, when we thought good will trump evil simply because that's what's supposed to happen. That was the hope Cory gave us.

And maybe we went there because we know, in spite of our cynicism and callousness, we just know, and if we are honest men and women we had to know, that Cory represented, and still represents, the best hope we ever had. And we didn't want to let it go.

Friday, July 10, 2009

Salamin

Hindi mirror. 'Di tayo magda-dabble sa psychology ngayon.

Eyeglass ito. Spectacles. Salamin sa mata. Ito yung mga corrective glasses na kailangang isuot para muling manumbalik ang normal na paningin ng isang tao. Hindi pinag-uusapan ang mga sunglass o shades na pamporma madalas.

Maraming dahilan kung bakit ayaw ng ibang tao na magsuot ng salamin.

Nagmumukha daw silang nerd. O geek. Bagamat nung bata ako, mukhang genius ka naman daw. Na medyo pinagtatakhan ko ngayon, kasi ang taong pinakakinatawan ng mga genius, si Einstein, e wala namang salamin sa kanyang mga larawan.

Pero bukod pa sa mga juvenile na dahilan, andyan yung mga optical distortions na naidudulot ng salamin na mahirap sa una. Pag minadali ka (o nagmamadali ka) na sinukatan ng salamin, at hindi pinagtyagaang subukin ang iba-ibang lente, maaaring magkaroon ka ng salamin na para kang nasusubsob pag naglalakad. O kaya'y para kang mahuhulog sa hagdan habang pababa dito. Bigla kasi ang pag-iiba ng anggulo, parang pababa ang sahig, at ang baytang ng hagdan ay parang mas malayo. Habang hinihintay mong lumapat ang paa mo, nasubsob ka na.
Wala ring optical correction sa side mo, dun sa peripheral visual area, dahil hindi iyon sakop ng normal na correction lens sa eyeglass. Pagtingin mo sa side, frame ng salamin ang makikita mo. Kailangan mong disiplinahin ang sarili mo na ipaling ang ulo sa direksyon na tinitingnan.
Pero ang mga iyan ay malalampasan mo naman lahat. At unless isa kang photographer o video enthusiast, o alin mang trabahong nangangailangan ng perfect vision, di mo naman masyadong problema ang mga distortion na dulot ng mga lente. Sa pagturo (pointing) na lang sa mga bagay o tao sa harap mo, bagamat nabago ang pwesto ng bagay dahil sa epekto ng salamin, nabago din naman ang anggulo ng braso, kamay at daliri mo, kaya sa bandang huli, tumatama din.

Mayroong mga disadvantage ang pagsasalamin na hindi mo matatakasan. Pag umuulan, kahit gusto mong magpaka-macho at sabihing "di ako magpapayong, malakas ang pulmon ko!" e wala ka ring magagawa dahil palalabuin ng mga patak ng ulan ang mga lente ng salamin mo. Kapag naman galing ka sa aircon na sasakyan, at umuulan, pagbaba mo, yung moisture sa hangin, magko-condense sa mga lente ng iyong salamin at ang mga ito'y magfa-fog-up, mamumuti at hindi ka muna makakakita. Pag ito'y nangyari sa iyo, punasan mo muna ang salamin mo bago ka tumawid ng kalsada.
Kapag nakasalamin ka at sumasakay ka sa public transportation, inaalala mo ring baka matabig at malaglag ang iyong salamin. Pag nalaglag ito at naapakan ng mga nagmamadaling pasahero, siguradong ito'y wasak. Ito ang dahilan kung bakit mayroon akong back-up, isang salamin na pareho ng sukat ng kasalukuyan kong suot. Pag walang pambili, yung lumang salamin na lang, yung pinalitan ng kasalukuyan, yun ang inilalagay ko sa bag. Magkalintikan man, may salamin akong pang-emergency.
Pag umiinom ka ng kape, magpa-fog ang salamin mo. Kapag umiinom ka naman ng softdrinks sa fastfood store, yung softdrink na nandoon sa gilid ng baso, kapag dumikit sa salamin mo, ang hirap alisin. Pag pinunasan mo, kakalat lang, at lalabo ang lente mo.
Hassle din ang salamin kapag pawisin ka. Pag nagkapawis ka sa gilid ng mata, hindi mo mapunasan kaagad, kailangan mo munang maghubad ng salamin. Minsan, ang pawis mo ay tutulay sa frame ng salamin mo at makakarating sa ibaba ng mga lente (lowest point kasi). Yung malaking patak ng pawis, maiipon at para ka nang naka-doble bista (bifocals).
Harang ang salamin sa mga naghahalikan, o kahit pag hahalikan mo lang ang batang maliit. Bukod kasi sa pisikal na tatama/sasayad siya sa bata, e hilig ding hablutin ng mga bata ang salamin mo sa mata. Hindi ka na nga nakahalik, na-disarmahan ka pa.
Mahirap ang nakasalamin pag naglalaro ng contact sports kagaya ng basketball. Syempre, hindi pwedeng mag-boksing nang seryosohan (hard sparring, etc.) pag nakasalamin, for safety reasons.

Ang pinakamabigat? Di ka na magiging piloto, at di ka masyadong papansinin ng girls.

Saturday, July 4, 2009

Lord Lightning

There was this horse from the early 1980's whose name always fascinated me, even though in my pre-pre-teens, I didn't know what that meant.

Name was Lord Lightning. I've never been to the racetrack. I never really knew how to read horseracing 'charts' or programs or even horserace results in newspapers (back when that was really being done by newspapers), but I figured Lord Lightning wasn't really a great horse. The 'super horse' in the Philippines in the early '80's was Fair and Square, in the latter half of the decade, it was Magic Showtime (the owner must have been a Lakers fan like me).

Great horse or not - perhaps those who have seen him (her) race could tell me - Lord Lightning left me something. His name. That's what I've always liked about that horse. And I would find it useful later.

In my native language, Capampangan, Lord Lightning is Lakan Kildap. Hence my blogger's name.

Thursday, July 2, 2009

burger pizza at iba pang mga tanong

Ngayon bang ine-endorse na ng Parokya Ni Edgar ang Jollibee, at pinupuri nang husto ang hamburger ng nasabing fastfood brand, e pwede pa ba nilang kantahin ang kanilang klasikong "Pizza Pie"?

Ngayon na namatay na si Michael Jackson (SLN/RIP), ano na ang magiging papel ni Gary Valenciano? Siya pa rin ba ang Michael Jackson of the Philippines? Sabagay, in fairness, ika nga nila, matagal na rin namang hindi nagbibihis Michael Jackson si Gary V., normal na lang ang gupit at pa-T-shirt T-shirt na lang. T-shirt na mahal, syempre, pero simple na lang.

Maraming namatay na artista sa Amerika nitong sanlinggong ito. Kamamatay lang nina MJ at FF (Farrah Fawcett), e namatay naman si Karl Malden, isa sa mga magagaling na character actor ng mga 50's-60's movies.

Gaya nga ng tanong ng isang kolumnista sa isang diyaryo, bakit ang mga artista (artists collectively, hindi lang mga 'aktor') pa na may naidudulot namang mabuti ang namamatay? Ba't hindi na lang mga politikong pulpol at kawatan?

Wednesday, May 13, 2009

Ang Walang Kamatayang Tanong

Why Toonder and Lightning? You have to be familiar with the story of the late boxer Floyd Patterson, and his Scandinavian foe, Ingemar Johansson. Yes, you guessed correctly, toonder is thunder.

The following post is in the Tagalog language, with some English words thrown in. Kung naiintindihan mo ito, payo ko lang, 'wag mo 'tong masyadong seryosohin.

Evolution ba o intelligent design?
Mas maganda yata kung ganito: "evo" o "ID"? Parang modelo ng kotse na pinagpipilian.

Wala ako sa mood ngayon na i-discuss ang evolution. Actually, palusot ko lang iyan, hindi ko lang talaga siya kabisado. Ang alam ko, associated siya kay Charles Darwin.

Ito namang intelligent design, e sabi ng iba, ito daw e religion lang na nagpapanggap na siyensiya. Creationism na binihisan ng bagong damit.

Eto lang ang masasabi ko sa intelligent design.

Kung tama ang "intelligent design" e di sana, walang taong nakakalbo o nalulugas ang buhok sa ulo? Kasi kahit sinong intelligent designer ay makikita na ang pinakamatibay na buhok na maaring ilagay sa anit ng tao ay yung buhok sa ilong. Wala na yatang kasing tibay, resilient at stubborn ang mga buhok natin sa ilong. Subukan mong bunutin ang buhok mo sa ilong pag di ka naluha sa sakit.

Saka, may nakita ka na bang taong nakalbo ang ilong? Sa halip na malugas, sumosobra pa nga, pag tanda mo at panipis na nang panipis ang buhok ng anit mo, pahaba naman nang pahaba ang buhok mo sa ilong.

Kaya mali ang "intelligent design" theory na iyan.